Monday, March 17, 2008

At Batangas

First on my agenda this summer, swimming sa Batngas, Kabayan Resort, with my dad and his officemates. First of all ang daming pinag bago nang yari sa office ni dads and sa mga officemates niya. It's been a long time that I haven't seen them and my ninong. I brought my Twilight along with me just incase wala akong magawa. Lubog na ang araw nung pagdating namin sa beach, pero yung mga bata walang pakialam na lumusob sa dagat at mag langoy. By the way nakapulot ako ng P20 sa sand, tataya namin sa lotto baka swerte :)) . . .

The place was really great, pwede ka mag sleep over sa dorm or sa kubo. I preferred to stay sa kubo kasi tignan mo naman yung services: it had only 1 air conditioned bedroom but may 2 beds na kasya 3 tao each at may 5 extra mattresses na naka handa, yung tv ng bawat kubo ay de- satellite, ayus na sa akin yun. I slept inside the room together with the kids (ako nanaman ang nagging kuya ng mga bata) and 2 titas, while the rest including my dad, natulog sa may dining area na kay preskong presko. But mostly all of the girls slept sa dorm, sa dorm walang tv, air conditioned at 9 double deck beds lang. That night, nag star gazing ako, grabe ang daming stars, for those people na mahilig mag star gazing ang ganda ng spot ko that time, ang daming stars, walang binatbat yung mga stars dito sa city ng dahil sa pollution. Naki-inom ako with them pero few glasses lang, naki nood ng Marimar at natulog agad.

The following day after viewing the sun rise, nag swimming na kaming lahat! Grabe ang babaw ng beach, I am like 60m (I think) away from shore at nasa waist palang yung taas ng water. Hindi malakas ang alon ng dagat, the water was clear and the environment around it was awesome! Sulit yung swimming ko! After lunch, sumali ako sa tong-its nila. Grabe mga hitter yung mga kalaban ko, ang gagaling. That was my first time to gamble, mostly I play card games for fun only.

The rest of the details ng mag ginawa namin could be viewed sa pics na lang.

No comments: